Dagat na pagitan sa ating pag-ibig...
Sing alon, 'sing lawak, 'sing lalim...
Ngunit sa isang panig...
Dagat ang nag-sasanib...
Sa dalampasigan mo sa akin...

Dagat din ng luha...
Sa pusong nag-hihirap...
Nag-hihintay sa iyong pagbabalik
Wag Kang Mangako ng Kailan pa man...
At baka di mo ko mapantayan...
Wag Kang mangako ng habang-buhay...
At baka di mo ako maintay...
Sana nga bukas, tulad ngayon...
Ang ating pag-sasama...
Sana paglipas ng panahon...
Di ka mag-iiba

  • by: Gary Granada

















  • Sign My Guestbuk



  • MULTIPLY

       



    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



    rss feed

    blogdrive


    Blogarama - The Blog Directory


    A Gift from a special Blog Friend



    Mulan is poisonous! Induce vomitting if ingested.
    N
    POISON

    'Ngalan:

    From Go-Quiz.com


    Message Board for
    Saban_Tab

    Visit [Saban_Tab]

    Group Message board

    Click here to join saban_tab
    Click to join saban_tab

    Saturday, February 10, 2007
    TaeKwonDo

    Taekwondo (also spelled tae kwon do or taekwon-do) is a martial art originating in Korea. Having become the most widely practiced martial art in the world, it is the national sport of Korea as well as an Olympic sporting event.

    In Korean, derived from hanja, tae (跆) means "foot"; kwon (拳) means "fist"; and do (道) means "way". Hence, taekwondo is loosely translated as "the way of the hand and foot" or more loosely, "the art of kicking and punching". Taekwondo's popularity has resulted in the divergent evolution of the martial art. As with many other martial arts, taekwondo is a combination of combat technique, self-defense, sport, exercise, entertainment, and philosophy.

    Although there are great doctrinal and technical differences among public and private taekwondo organizations, the art in general emphasizes kicks thrown from a mobile stance, using the leg's greater reach and power to disable the opponent from a distance. In sparring, turning (roundhouse), 45 degree, front, axe, reverse turning and side kicks are most often used; advanced kicks include jump, spin, and skip kicks, often in combination. Taekwondo training also includes a comprehensive system of hand strikes and blocks, but generally does not emphasize grappling.

    SOURCE: http://wikipedia.com

    Korean commands In Taekwondo, Korean forms of commands are often used.

    General

    Charyot! - Attention!.
    Kyong ye! - Bow!. *Students reply taekwon when bowing.
    Sabumnim ke kyong ye! - Bow to the Instructor!. (Only when bowing to a blackbelt or instructor.)

    Sparring


    jun-bee! - ready!
    si-jak! - begin!
    kalyo! - break!
    kesok! - continue!
    goman! - finish!

    Etiquettes of TaeKwonDo


    1. courtesy
    2. integrity
    3. perseverance
    4. self-control
    5. indomitable spirit

    Stances

    • Ready Stance
    • Middle / Horse / Sitting Stance
    • Front / Walking Stance
    • Back / L Stance
    • Fighting Stance
    • Cat Stance • X Stance
    • Vertical Stance

    Philippines (Belt Colors)

    (from Lowest to Highest Rank)

    • 1st White Belt
    • 2nd Yellow Belt (Low)
    • 3rd Yellow Belt (High)
    • 4th Blue Belt (Low)
    • 5th Blue Belt (High)
    • 6th Red Belt (Low)
    • 7th Red Belt (High)
    • 8th Brown Belt (Low)
    • 9th Brown Belt (High)
    • 10th Black Belt (1st Dan, 2nd Dan, 3rd Dan...)

    Kicks (basic)

    • 45 degree kick
    • roundhouse
    • stretch Kick
    • punch kick
    • front kick
    • Axe Kick
    • side kick
    • full moon kick
    • turning side kick
    • jumping (for all basic kicks)
    • spin kick


    Posted at Saturday, February 10, 2007 by Mulan
    Leave a comment  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Wednesday, September 06, 2006
    Remote Desktop Connection

    Para sa akin isa itong Mission Impossible... wahehe

    Eto ang kwento... game ka na? may popcorn ka bang hawak? tubig baka makalimutan.. bitbit ka na rin kapiranggot na pang-unawa... teka patayin mo muna yung sounds mo.. bilang paggalang seryoso ito.. hihihi game tuloy na ang kwento *i'm crossing my finger*

    Buwan ng Setyembre, ika-3 araw ng unang linggo sa unang buwan ng nalalapit na adbiyento..

    madilim ang paligid...

    maingay ang floor...

    abala ang lahat...

    ako naman tinatamad na akong mag-take ng calls kaya lagi akong naka-AUX (patay ako neto) habang naka-aux nagbabasa ng libro, tapos kukulitin ko yung katabi ko, kasi lagi niyang kinakanta yung bagong commercial ng shampoo, nalimutan ko yung lyrics, basta nandon yung vocalist ng mojofly..

    balik ulet sa serious...

    sa sobrang dami ng nakain ko, inaantok na ako sa kinauupuan ko.. pag-tingin ko sa relo, 2:10am pa lang... 50 minutes pa bago matapos ang lahat.. hehe.. kaya sige nag-login na ulet si Juana Tamad!.. same thing

    madilim ang paligid...

    maingay ang floor...

    abala ang lahat...

    (toooooot)

    tumunog na ang aking AVAYA.. so eto na ako, sinimulang banggitin ang opening spiel

    AKO: Thank you for calling Verizon On-Line Technical Support. My name is Mel. Let me Just very that your DSL phone number is.. bla bla bla, am i correct? how about a good call back number sir? Thanks for that information. How may i help you today Mr. ? (Take note dapat American Accent)

    KANO: well i been calling your support about a week ago. And i'm wondering, why evrytime i attempt to call, nobody could help me, i was once sent to a supervisor, but neither him was not able to assist me, what's with you guys, i was very frustrated for clinging a help and no one bothers to give one.

    AKO: Oh i do apologize for the incovinience it had cause you sir, let me know what the issue all about, and i'll do my best to solve your problem today.

    KANO: i want to activate my remote desktop connection.. i want to access my computer at work (new York) while i'm staying here in West Virginia... and (bla bla bla)

    *** habang nagsasalita ang kano, nag mute muna ako ng phone.. at sumigaw na WHAAAAAT THE HECK IS THAAAAAAT????, siyempre ang saya ko parang napaka-cool naman nun, feeling niya siguro genius ako.. kinulbit ko yung katabi ko, sabi ko sa kanya,

    AKO: hey Jhen, cool nitong issue, yung computer niya sa new york gusto niyang i-access sa Virginia... (mas madali pa yata ang magpatiwakal kesa ang ma-solved ito)

    JHEN: ah hindi natin support yan. end mo na yung call

    AKO: ah ganon ba.. ayoko ang galing eh..

    JHEN: bahala ka

    wow bahala pala ako ha hihi.. since last call ko na ito for the day, maglalaro nalang kami ni customer. siyempre ang tagal kung di nag-reresponse sa tawag niya... ang sabi ni kano

    KANO: hello.. hello.. hello are you still there?

    AKO: yes sir i'm still here, you're so lucky today sir, i'm the best agent on the floor, but as much as i'm willing to help you with your concern, i need to end this call because this is not under our support, no matter how hard we try, we'll end up with no resolution with the issue. would you like me to transfer you to our Supervisor, i know they could help you much.

    KANO: naaah, not this time, i have no time for that, look this is my fourth call could you just ask someone who could help me, but please do not transfer me.

    ** aba eh loko-loko pala ito eh,, dugo na nga ilong ko dito no, kaya ayoko na.. siyempre humingi ako ng saklolo sa Level 3 agent, at kahuli-hulihang conversation namin.. end ko daw ang call at hindi under ng support namin yung problem ni customer.. siyempre nangulit ako, sabi ko tayo ang ISP kaya tayo lang ang makakapag-bukas ng port para sa gusto niyang mangyari, siyempre sinindak ako nung officer.. lahat ng kasama ko dito galing Linksys (at ako galing FORD), kahit sila hindi nila support yan... (and sabihin niyo di niyo lang alam)

    *** balik ako kay KANO, taas noo at nagsimulang mag-laro

    AKO: alright sir, it seems that nobody could help me today either, but don't worry we can get through this together (wow bestfriend ikw ba yan).. let's have a screen sharing session. ok..

    KANO: alright.. so how would i do that?

    AKO: open IE ang type in (bla bla)

    habang ako google ng google kung ano ba yung Remote desktop Connection

    *** pakitang gilas ako habang nakikita ko yung screen niya.. todo explain sa mga technical term na posible niyang paniwalaan.. hindi ko alam kung sadyang may angking talino ako sa pag-butingting ng mga bagay.. dahil unti-unting nagkakalinaw ang pinaggagagawa namin, at sa bawat hakbang ko, sumasangayon siya dahil yun din daw ang pinakita sa kanya nung ka-officemate niya na gumagamit nun.

    AKO: ok sir i'm not sure that i could solve your problem. ok. all this process is just all my stock knowledge. alright. please bear with me (habang nag-babasa pa ako ng website para sa problema mo)

    KANO: no no no.. i do appreciate that, we're moving now, i trust you.

    ** so habang sine-set-up ko ang VPN niya, ineexplain ko ang para kung saan ang si ganito at si ganyan, na kahit ako ay ngayon ko lang unang narinig ang mga pinag-sasasabi ko, hehe.. dahil unti-unti kong naiintindihan ang proseso kakukwento niya.. nasa 80% na kami ng tagumpay.. at konting butingting pa 90% na.. nanghindi ko na tuluyang mapagtagumpayan, ipinaliwanag ko na kailangan niyang gawin lahat ng set-up na ginawa ko sa computer niya sa New York bago maging tama ang lahat ng bagay. Control Panel>System>Remote Access is enable> at siyempre and Windows Firewall ay disabled.. at saktong computer name ang kunin niya.. pra malaman niya ang computer name ng PC sa new york, punta ulet siya sa Control Panel>System>Computer NAme.. para sa makatotohanang troubleshooting steps, ipinaalam ko sa kanya na may mga software na makakatulong para madali ang lahat kailangan niya lang iinstall ang mga yun. sana nga sa araw na ito may nililikha na ang software para doon.. *peace*.. pero dahil alam kong nambobola lang ako.. minarapat kong maging mabuting tao sa pag-sabi na.. hindi hundred persent tama ang ginawa ko.. it has nothing to do with your internet service provider.. kows..

    AKO: sir, the best advised that i could give, is to ask your friend what type of modem is he using, and is there any software, and ask your I.T. department as well what is the protocol of your computer in new york. that would be your dialer to access the desktop

    KANO:  i undertand i will. as soon i could get back to work on tuesday.. i will

    ** ay oo nga pala Labor Day nga pala nila sa Sep 4, siyempre medyo mag-iisang oras na kami sa linya, tapos nagugutom pa ako ulet, kaka-boladas sa kanya. sabi ko "that's it for today, is there anything else that i could you with today Sir.."

    *** samantalang si Jhen and the rest of my katabi, pinapanood ako kanina pa.. (pinag-tatawanan ako ng mga mokong hmmm.)

    KANO: Mel, you know what you've been such a big help. is there anyway that i could contact you again, or is there a way that i could email your.. (interruption)

    todo interrupt naman ako (ooooops)

    AKO: No sir, don't worry sir, everything was documented here, just incase you will call again, the next agent will trace what was our trouble shooting steps the last time you call in. There is no need for you to look for me (patay)

    KANO: no that is not what i mean. What i would like to know, is there anyway that i could inform your boss how good you are..

    (naks abot tenga din naman ang ngiti ko eh.. commendation na naman..)

    AKO: oh sorry i misunderstood you sir, don't worry sir, you can talk to my boss, just a moment

    ** wahehehe habang kinakausap ng TM ko yung kano, nagyayabang ako kay Jhen, ano ha, ang hirap nun commended pa.. siyempre alaskado pa rin ako ni Jhen

    *** ang saya-saya, buti na lang pinanganak akong mayabang este matulungin. At alam niyo ba kung ano ang sabi ng kano

    "i usually talk to supervisor because of my aggravation but only today i was able to get in touch with very patient and professional agent. i called verizon 3 times and only melanie was able to help me."

    ** thank you.. thank you *clap* clap*

    hmmm ano nga kaya yung Remote Desktop Connection no?


    Posted at Wednesday, September 06, 2006 by Mulan
    Leave a comment  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Monday, August 14, 2006
    Buhay Bagong Salta

    Oh Come on.........

    ako bilang isang "BAGONG SALTA".. Parang probinsyanang probinsyana talaga ang tunog no. hehe.. kalimitan kasi ng nakakausap ko ng matagal, sabi nila may punto daw ako, aba teka lang Laguna lang naman ako galing, anong punto kaya ang mga pinagsasasabi nitong mga to. haha

    Yan palang ang isa sa mga halimbawa ng kwento sa buhay ko bilang isang "bagong salta"... Bagama't bago, ramdam ko ang lahat ng uri ng excitement.. kabog kabog laging bado (kabado), kasi baka may kakaiba na naman silang mapuna. Pero hindi nila alam mas marami akong napupuna sa kanila.. hmmmm.. napuna kong hindi sila takot gumalaw.. free to go, free to fly.. parang mga walang diyos.. hehe (sobra naman).. siguro nga sakto na ang temang "liberal".. siyempre laging pa-virgin ang drama ko.. Mula sa mala-purgatoryong training na pinanggalingan ko, July 11, na ng makarating ako sa tugatog ng impyerno.. yan ang tawag nila sa production floor.. "hell" and saya no.

    Hindi ko pala naikwento na muntik na akong matalo sa larong-TSR (Tech Support Rep), yung pinaka-huling linggo ko sa training, muntikan na akong sumuko.. sa buong batch namin (WAVE 13a) ako lang ang namimiligrong bumagsak. as in ako lang.. kakahiya.. hindi ako makapasa-pasa sa Q.A. scan, samantalang sila sigurado na maissuehan ng certificate. sabi ko nun di na ko papasok kinabukasan kasi nakakahiya naman kung ako lang walang certificate. Dahil sa sobrang pagmamahal ng mga ka-batch ko sa kin.. kows.. todo suporta sila sa akin.. kaya last scan pa.. last nalang kundi dedo na talaga ang pasibol ko palang na career sa I.T.

    Sa makatuwid pumasa ako, siguro mga hibla ng buhok ang dahilan, at yun ay sa pamamagitan ng awa.. kaya ang saya-saya ko.. eto na July 11, 2006 ang shift ko 6pm-3am, walastek pang kabag talaga ah "batgirl".. Siyempre mukha akong timang na hinanap ang Team ko, at mukha rin silang timang sa pag-tanggap sa akin. Tahimik lang ako, dahil panibagong mukha na naman ang pkikisamahan ko, hiwa-hiwalay kasi kami ng team, di ko kasama yung mga ka-batch ko. kaya estranghero ulet sa estrangherong trabaho, lugar, tao at pagkakataon. Lintik na "sugar" di na naalis sa imahen ko, may mga bumabati sa akin para lang sabihing kamukha ko si "sugar" at eto rin ang dahilan kung bakit malakas ako kay manong guard, kasi sabi ni manong guard may kamukha daw ako sa SIKS BOMB siguro nga si sugar na naman yun.

    1st week ko sa floor, famous kaagad ako.. famous agad akong iwasan ng mga floor support namin... nakakatakot daw kasi akong mag-tanong, para daw hindi ako papayag na di masosolve ang problem at di ko sila tinatantanan ng tanong. naku kung alam lang nilang talbog hanggang 3rd floor and kaba ng puso ko pag nakakatanggap ng calls. tapos sa tabi mo may naka-barge na Q.A... gusto ko sanang sabihin sa Q.A. na hindi maganda ang naging karanasan ko sa katulad niya.. hehe lumipas ang araw at linggo. Sari-saring mukha at kwento sa nag-iisang building ng ACS. Hindi ako makapaniwala na kaya ko palang maging tahimik sa loob ng 1 buwan.. oo tahimik ako.. Kaya nga sari-sari rin ang bansag sa akin merong isnabera, suplada, at drawing. Dahil bagong mukha, maraming umuuportonidad na maniac na kalalakihan.. hehe.. merong babati sa'yo na pa-eklat lang, magtatanong ng pangalang mo ang sinasagot ko 'kurdapya".. tapos tatakbo na ko paalis.. hehe tapos tawa na ko ng tawa nun.. Meron naman nakasalamuha mo na dati, nakalimutan kong magkakilala pala kami.. kaya lagi niya akong kinakantahan "di ko alam, kung bakit ka ganyan, mahirap kausapin at di pa namamansin".. May mga nagte-text na di mo alam kung saan lupalop galing.. Meron pang isa akala mo mabait, dahil sa kadahilanang kaibigan siya ng kakilala ko, nagrereply ako sa mga text niya.. at aba yayain ba naman ako sa bahay nila.. ano yun s_x na ba to?? wahehe.. Graveh! ang mga taong liberal ay mapag-samantala..

    Sa sobrang ilang ko sa mga bagay na nakapalibot sa akin.. mas pinili kong di makisalamuha sa iba.. Magisa lang akong mag take ng break, at kumain ng lunch.. mas masarap kasi yun kesa sa maaya kang mag-yosi.. minsan sumama ako sa kanila, hindi ako natuwa, kasi para akong manok na pinapausukan... hehe kaya para clean living, solo ang drama ko.. Hindi ko kasi kaya pakibagayan ang ganon, pag-aaralan ko pa siguro.. Pag dating mo naman sa floor, pag-salpak ng headset sa tenga mo, panibagong lugar na naman ang pupuntahan mo at pakikibagayan.. minsan na sa Pennsylvania, minsan sa California, West Verginia o kaya New York.. Para kang laging namamasyal sa US at inaayos ang connection nila sa internet. Araw-araw para kang masusuka, dahil ingles ka ng ingles, minsan wala na akong mapigang ingles, kaya ok sa alright na lang sinasabi ko.. Dati masyado kong minaliit ang trabao sa call center, pang walang utak, petiks, pang-tamad, walang disiplina at pang liberal na tao ang larawang ipinakilala sa kin ng society...

    Pero hindi lang boses ang puhunan mo, para makaraos ka sa isang araw na trabaho.. Kailangan mong mag-mukhang magaling, dahil hindi ka susundin ng Kano sa ipag uutos mo. Minsan halata nilang hindi ka American.. kaya sinasagot ko ang customer na "i'm a proud Filipina, and how may i help an American like you" tatawa si customer, di daw siya makapag-internet.. kung wala kang utak, maaayos mo ba yan.. sa loob ng 13 minuto kailangan maayos mo ang problema ng bobong kano para magkaroon ka ng magandang AHT. At sa tawag na yun dapat di na siya tatawag ulet para naman yun sa grade ng FCR mo.. at sa lahat ng bagay ng pinaggagagawa mo sa isang tawag meron kang Q.A. scan habang dinodocument mo ang troubleshooting steps mo.. astig.. saka palang maituturing ang isang tawag na "good call" .. Araw-araw yan ang requirement, araw-araw yan ang buhay ko.. araw-araw di pwede ang pwede na.. i'm always at my best hanggat maaari.. habang nakikipagpatintero ako sa masamang inpluwensya, sa pagsalpak namn ng headset ako naman si darna na sosolve sa problema ni uncle sam. At sa bawat araw hinahangaan ko ang mga katabi ko, ang mga taong nagta-trabaho sa call center.. dahil hindi sila deserving sa mga naging bansag sa kanila, sa amin pala. dahil hindi pala biro-biro ang trabahong call center.. lugar siya ng pag-asa sa mga single ma'am, na namahinga ng ilang taon, at di makapasok sa high standard ng mga kumpanya ngayon. lugar siya ng pag-asa sa over age people na di na makapagsimula ng career ng dahil sa age requirement.. taga pagligtas siya ng mga taong gustong mangibang-bansa pra kumita ng malaki.. basta lugar siya ng pag-asa. Kung pansamantala man ang call center.. may pansamantalang pag-asa ang mga pinoy..

    kaibigan ko ang relo, dahil napaka-importante ng oras.. ang oras ng pag-ihi mo napakahalaga, meron kasing tinatawag na staffed time, dito binabase ng cliente kung pano niya babayaran ang ACS at kay ACS naman nakasalalay ang ibabayad sa amin.. nauunawaan ko na ang kalakalang call center... disiplina sa katawan ang mahirap kalaban.. Di ko alam kung tatagal ako sa sistema, July 31, di ako pumasok, gusto ko na kasing mag-resign.. feeling ko hindi pa ako ganon kagaling para tagalan ang pressure sa loob.. every call lagi akong nangangapa kung saan ba ang Device Manager, at kung saan nga ulet makikita yung Internet protocol TCP/IP na yan. lagi akong nangangamba na baka malimutan ko ang set up ng POP3 sa outlook. lahat bago sa akin.. Accounting major kasi ako.. pero hilig ko rin nman ang computer, pero iba ang pakiramdam kung ang laging target ko ay "good call"... then ayun aug. 01 pumasok din naman ulet ako... hehe Nag-hahanap ng sign kung bagay ba kong tech support.. eto na ang sign.. sa isang tawag ko meron akong commendation, sa sobrang tuwa ni customer, kinailangan niyang kausapin ang supervisor ko, at ipinaalam kung gano ako kagaling.. wahehe magaling daw ako..

    sabi ko sarili ko.. hindi ako magaling..bobo ka lang.. hehe

    then..

    AKO : "Sir anong mapapala ko kung may commendation ako"

    SIR: 'Aba may certificate yan'

    AKO : "cash wala, sabay ngiti (ngiting kabayo)" *wakawakawak*

    KATABI KO : "walang cash, dignidad lang"

    oha, mahal yun ah, saan kaya may tindahan nun at mabenta ang mga ma-eearn kong dignidad.. hehe.. siyempre ang sarap sa pakiramdam. Then marami ng mga nagtetext sa kin na mga kabatch ko. may nag-AWOL, may SUSPENDED, merong 1 linggo ng nag-kakasakit.. sabi ko ano kayang nangyari sa kanila?.. ayan tinamad na naman ako.. Bukod sa nakaka-miss umuwi nang bahay, laging paligsahan ang araw-araw kong gawain.. Nakakapag-pahinga lang ako pag may klase ako sa UP, tapos sabado lang yun. Kaya laging ang sarap umuwi ng Laguna sa piling ng mahal mo.. ~c",)-<<<

    Hindi ko alam kung anong meron sa kilos ko at lagi nilang sinasabing kakaiba ako.. mapa work force, floor support, chat support, kakaiba daw ako.. hmmm hindi kaya alien ako.. Dumating ang isang x-normal na araw.. Aug 10, Late ako nakarating, hehe kasi napuyat ako may nagdala kasi ng bulaklak sa akin kagabi (tsaka ko na kwento), tapos sa sobrang kilig ko 8am na ko nakatulog.. uy kilig.. tapos ayun kinukulit na ako ng katabi ko.

    sabi niya..

    GIRL 1: "hoy Melai, ang yabang mo"

    AKO: "ha ako baket naman?"

    GIRL 1: "Gago, nasa intranet pangalan mo, Top 10 Best Technician ka for month of July"

    AKO: "halaka, kakastart ko lang nung Jul 11, bakit ako. patingin"

     

    aysus... akalain mo yun Top 10 nga ako, ako! ang babagsakin sa batch namin.. graveh di talaga ako makapaniwala bukod sa nag-iisa akong babaeng nasa top list, nag-iisa akong tao doon na walang alam kundi mag-basa ng helpdesk at magtanong sa floor support. ang akala kong Q.A. na di ko mapasa-pasa ay siyang dahilan kung bakit ako napasama sa top technician dis month.

    pakiramdam ko hindi ako deserving dahil wala pa akong expertise na nararamdaman sa katawan,.. kaya pag bigyan niyo na ako na bahagyang makapag-yabang.. hehe sa trabaho ko kasi dati kahit mag tumbling na ako sa full effort everyday, palpak pa ring maituturing ang bagay na ginagawa ko.. na kahit hinihimatay ka na sa sulok kakabuhat ng Merchandise, wala kang mararamdamang saya sa mga natapos mong gawain.. Samantalang ngayon, nasa stage palang ako ng pangangapa.. binigyan na nila ako ng lakas ng loob na mag-patuloy. siguro nga equal opportunity kahit isa akong "bagong salta"


    Posted at Monday, August 14, 2006 by Mulan
    (2) smart comments  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Saturday, June 24, 2006
    @ Work Eviction

    Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart.

     

    wHy???.. until now nalito akong bigla sa pinasok kong trabaho.. wHy???.. wala lang para kasing experiment... parang laro.. parang peryahan.. parang nakalimutan nilang ang 13A ay may pakiramdam.. haaaaay disappointed lang siguro talaga ako.  FRUSTRATED!!!

     

    Sabi nila sa umpisa kailangan naming maging close sa isa't isa, to make our training fun and productive.. soft skills palang pinaglaruan na nila ang feelings namin.. nawalan kami ng 3 ka-batch.. kahit isang linggo pa lang iyon, iba pa rin sa pakiramdam na umasa kang may trabaho ka na.. at sa dulo ng lingo.. evicted ka!! mahirap ang matanggal dahil bukod sa nakakapanghinayang, hindi mo na ulet makakasama ang mga makukulit mong co-agents.. mas mahirap naman ang maiwan, dahil hindi mo alam kung kailan ka tatagal o kung tatagal ka nga ba o tatangalin ka.. weird!!! everyday nakikipag-paligsahan ka sa isang laro na hindi mo alam kung sino ang kalaban.. isang laro na hindi nilaro na mga nakaraang wave.. sa Batch lang daw namin naimplement and paghihigpit dahil kami ang last batch ng pinakabagong account at tinuturing nilang pinakamahal na account.. kaya super dusa ang pinaparanas nila.

    Second week of our training "product spec"... you need to be technical most of the time.. kasi nga naman techsupport ka diba.. everyday may quiz, ang hirap humabol sa mga klasm8 mong bihasa na sa pag-basag ng CPU, samantalang ikaw babago pa lang sisibulan ng tino sa kung papaano pumunta sa command prompt.. at nangangarag matawag sa klase at baka matanong kung paano i set ang network.. modem to router, may filter at micro filter pang nalalaman ang pagkakaiba ni RJ11 at ang mahiwagang RJ45.. araw-araw yan, gigising ka ng maaga at kakabahang pumasok dahil may quiz na naman. dahil sa 2 quiz na 79% ka.. base to 100% ang computation nila pano ka papasa.. tangal ka!

    pero iba pa rin pag uwian na, lahat ng sutil na batang ipinanganak sa henerasyon namin nag-sama-sama sa 13A.. kaya ang sarap ng after work, nakakalimutan mong nanganganib ang career mo sa troubleshooting.. naiba ang takbo ng mundo ko, iba't ibang mukha, ibat' ibang pasikat para mapuna ng lahat, iba't ibang pasiklab para magpaka-astig, at sa lahat ng iyon mararamdaman mong ang call center ay ang totoong buhay.. may liberal, may christian, may 20+ na hatid sundo pa ng tatay, may tirik ang buhok hippi pero mahiyain, may singer, may dancer, may talamak magsalita at magmura, may statistical at reasearch base ang drama sa buhay, may pokwang may oh come on, at merong pulubi at mayaman.. prang balik eskwela, parang laging nasa bahay at nakikipagtagisan ng pasensiya sa mga kapatid na puro panganay.. sa madaling salita makikita mo ang sarili mong masaya...  

     

    hindi ko alam kung ano ang meron sa 13A, last week lumabas ang result ng product spec training namin.. pinapasok kami ng 2am-11am nung Thursday, drain ka man, pero mawawala yun dahil malupit na ang comedy sa troops ng 13A, tapos bigla nilang babasagin ang malaparaiso mong naipinta ng ilang lingo.. kahit jungle ang dating sa akin ng mga ka-batch ko, mga totoo silang tao. Kaya mahirap tanggapin nA walo sa kanila ay natanggal.. kalahati na lang ang natira sa amin.. naging matamlay dahil alam mong may kulang.. kahit hindi ka ntanggal ramdam na ramdam mong dihado ka.. dahil sa class lang namin may natanggal, at sa batch 13 lang nauso ang 2 failing quiz then you're out. Mahirap mag-adjust dahil naging close na kayo sa isa't isa, mahirap magpatuloy dahil alam mong may naiwan ka.. kahit hanggang ngayon hindi ako kampante na tatagal ako... pero kung ganito pala ang klase ng trabahong napasok ko este klase ng larong napasukan ko.. sana lang maipanalo ko.

    ~c",)-<<<

     

     


    Posted at Saturday, June 24, 2006 by Mulan
    Leave a comment  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Thursday, June 01, 2006
    Ulan ni Mulan (I can Make It Through the rain)

    1… 2… 3… whew I’m truly blessed… and I don’t how to thank Him. Totoo pala talaga na after the stormy season, you’ll see the beauty of the usual sunlight. Siguro it is His way to remind me, that I forgot about Him. Though I cursed every man on earth, he just knock on me and gave me a wake-up call that He as a man will stay as loyal as he can. Month of May has just ended and indeed it was truly my lucky month. After a heartbreak they fall into my knees to cheer me up.

     

    REUNION       minsan kailangan mong maging mag-isa ulet.. wahehe dami ko kasing inetsepuwera, nang maiba ang iniikutan kong mundo.. Bonding ulet kami ni Mommy Normz and other long lost friends. Hehe praktis daw kami ng kanta for the wedding of our dear friend.. I begun to become so busy this past few weeks. Isang araw lang kasi ang pagkakataon kong makapag-praktis para sa wedding song.. (walastek).. May 27, 2006 kasal na.. though nangangarag sa kaba, dahil matagal na kong di naisasalang sa pag-gigitara, todo suporta pa rin ang singer ko (mommy normz).. And at last natapos ang performance naming dalawa.. what’s the blessing behind it??? Eto na.. after ng performance namin, may lumapit sa aking talent ng isang Performing Arts Organization.. Nag-offer siya na bumisita ako sa office nila.. kahit daw magsideline ako sa pagtugtog.. waaaaah siyempre todo tangge dahil wala akong diploma sa Musika.. but skill will always prevail.. kaya they will wait for my appearance… kung kelan??.. pinag-iisipan ko pa.. takot pa ako eh.. baka sumikat ako (hihi).. but I thank Him for that.. need some guts pa to bite that idea. Jobless pa naman ako.

     

    DRUMSET     hmmmm I’m so happy to complete my band set.. Eto na talaga ang bisyo ko sa buhay. I really love music morethan myself.. hehe. 28th of May 2006, yow may drumset na ko.. can’t explain how happy I am.. pero siyempre siya na lang ang kulang sa tropa. Meet my family!

    -         Christian (siya ang aking Fernando electric guitar)

    -         Sipol (kubing : native instrument)

    -         LG (bungkaka : native instrument)

    -         Adeo (bamboo flute)

    -         Maya (keyboard ko na Casio)

    -         Karla (ang bit box ko na lumanog)

    -         Maria Clara (acoustic guitar ko: nylon)

    -         5/6 (1st guitara ko na binili ni Mama pambayad utang)

    -         Buboy (the Base guitar)

    -         Tungko (bongos ko nga pala hehe)

    -         Star (red violin ko)

    -         Prima (old violin ko)

    -         Rook (another string guitar Rockstar kasi ang tatak)

    -         And finally si Kaloi (Premier drumset ko)

     

    Buo na ang kombo ko… bahay na lang ang kulang para magkasama-sama na sila ng maayos. Yaan mo konting panahon pa matutupad na ang Band Studio ko.. and He will blessed me again.

     

     

    CHANCE    May 28, 2006 6:00PM dumating siya and nod a hi and hello.. how are you.. and asking if I’m okey.. explaining his side and so ayun bati na kami ni Doding Daga.. Though hindi na gaya ng dati, but with his sincerity, I gave him a good chance to be a good friend muna for the meantime.. and if the tides lead us to what we are before… maybe we are really meant for each other… I allow myself to give him a chance. And I consider it as a blessing.. bakit hindi di ba?

     

    N70   finally dumating na ang new handset ko. 29th of this May 2006, siya naman ang dumating. Di pa man ako nakakapagpahinga sa pasasalamat, another blessing para mag-paalala ulet ang tunay na mangliligaw ko. (nililigawan niya ako na bumalik ulet sa simbahan).. hehe masugid ano?.. kaya sabi ko di talaga ako manonood ng Da Vinci Code kasi blasphemy yun di ba po… thanks God its May.

     

    OPPORTUNITY    job hunt ako last Thursday (May 25).. ayaw ko sa APAC kasi outbound ang kalalagyan ko doon.. I still pursue to enter the world of call center.. Sabi ko last na ito.. baka pang-bading lang talaga ang call center na yan (Convergys.. bagsak ako.. APAC tanggap nga outbound naman..) so ayun here comes Advance Contact Solutions.. Halaka ang daming tao, windang pa ako sa Makati, mahirap palang maligaw ang probinsyana sa lugar na di niya kilala.. wahehe.. Ang masaklap kakarating ko lang pinapaalis na ako.. “be here at 1:30pm for your examination.. ek ek..” Nilakasan ko lang ang loob kong mag-apply for Technical Support. So ayun nakakagutom wala akong makitang fast food sa Tordesillas Street na yan.. waaaaah.. after kong maglunch bumalik na agad ako… sakto pag-karating ko tinatawag na yung mga examinee.. Kinabahan akong bigla, kasi pinagdidiinan nung psychometrician nila na.. 4 ang exam ng TSR (w/c includes troubleshooting) and tatlo lang for CSR.. so nung nagla-log na siya sa computer ko, tinatanong niya kung Customer Rep o Tech. Support ba ang application ko.. Lumunok muna ako ng laway at mahinang sumagot ng tsr as in bulong.. baka malaman niyang Commerce ako at hindi IT grad. Uwi na lang kaya ako. Mapanlait kung makatingin eh..

     

    So ayun dalawang oras ko yatang binuno ang exam.. then wait for your name to be called ang dramang gagampanan ko.. yung mga kasabay ko thank you letter na sila (bagsak sa exam) samantalang ako naninigas na sa lamig, kaba at gutom ng biglang tinawag ang pangalan ko, akala ko nga mahihimatay na ako eh,.tatlo kaming ininterview ako, isang gwapo at isang mayabang

     

    Unang tanong : Why should we hire you?

    Ako: actually po pauwi na ako… akala ko bookkeeper or accountant ang kailangan eh..

                Sige po salamat po sa malamig na aircon.. bye bye

     

    Pangalawang tanong : What makes you qualified for this position?

    Ako : Sinong may sabi, sasapukin ko.. sinungaling yun ah.

     

    Pangatlong tanong : How to set-up a networking for 5 computers?

    Ako: @/#-9! Ah yun ba.. hehe.. okey na!

     

    Pang-apat na tanong : Do you have any idea if you passed the exam?

    Ako: I do.. till death do as part.. mwah!

     

     

    Haaaay sa wakas natapos din ang interview.. dahil sa pinagsaluhan naming kaba at sandamukal na takot.. naging mag-friends kaming tatlo.. medyo matagal ang result kaya nagkwentuhan muna kami

     

    Gwapo: alam mo ikaw ang matatanggap kasi ang galing mong sumagot

    Ako : talaga *beautiful eyes* naku malabo yun di naman ako Com Sci, Com eng or IT.. buti pa kayo may experience na.. malamang ako bibigyan ng thank you letter.

     

    Mayabang : Hindi... lahat tayo tanggap, sino ba namang magtatanong ng simpleng networking noh.. atsaka ang dali nung exam, pinagintay pa nila tayo ng matagal

     

     

    At eto na ang resulta tinawag kami ng sabay-sabay, dalawng thank you letter at isang idorsement slip..ang resulta--- haaaay ako lang ang inendorsed for 2nd interview.. whew! kinulit ko yung interviewer namin.. bakit ako? Amin-amin nalang yung sagot,, baka sabihin niyo mayabang ako eh..

     

    Then pinababalik ako kinabukasan (May 26, 2006 @ 3pm). Ang bait nga nung guwapo kasi inihatid niya ako sa sakayan papuntang Landmark sayang kukunin niya sana yung # ko kaya lang nahihiya pa siya.. hmmm kami na sana ngayon.. (joke lang)

     

    Kinabukasan 4pm na ko nakarating ang dami pa ring aplikante, dami na nga akong nakakakwentuhan.. naiiyak nga ako pag nakikita ko yung mukha ng mga nakakareceive ng thank you letter, ang sakit sa dibdib. Tapos yung isang nakausap ko pang-5 interview na niya, samantalang ako di pa natatawag, then nung tinawag yung name niya thank you letter pa rin.. haaaay nakakaiyak limang interview na yun ah… sana wag na akong tawagin.. Naiinip na ako at kinabahan kya nagpare-sked na lang ako ng Monday.. ayun pumayag naman. Takot kaya ako noh... Then May 29, 2006 2nd interview ko na..

     

    They gave me one hundred heck of questions and I gave them my super power one hundred heck of answers w/c is equivalent to immediate job offer.. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah tanggap ako wala ng final interview.. whew graveh napaka powerful ng mga prayers ko that day.. as in graveh.. start na kow sa Monday June 5, 2006.. hindi pa ako ready.. pero kung ito’y isang panaginip ayoko ng magising!!!

     

     

    Let's Celebrate! Whew!!

     

    -------------------------------

     

    I can make it through the rain
    I can stand up once again on my own
    And I know that
    I'm strong enough to mend
    And every time I feel afraid I hold tighter to my
    faith
    And I live one more day and I make it through the rain


    Posted at Thursday, June 01, 2006 by Mulan
    (2) smart comments  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Saturday, May 20, 2006
    Broken Hearted Me

     

    Every now and then I cry
    Every night you keep stayin on my mind
    All my friends say Ill survive
    It just takes time

    CHORUS
    But I dont think time is gonna heal this broken heart
    No I dont see how it can if its broken all apart
    A million miracles could never stop the pain
    Or put all the pieces together again
    No I dont think time is gonna heal this broken heart
    No I dont see how it can while we are still apart
    And when you hear this song
    I hope that you will see
    That time wont heal a broken-hearted me

    Every day is just the same
    Playin games, different lovers, different names
    They keep sayin Ill survive
    It just takes time

    CHORUS

    Time wont heal a broken-hearted me

     

    ~c",)-<<<

    Haaaaay. First time kong narinig tong kantang ito nung inalay siya sa kin ng isang kaibigan. Nung binasa ko ang lyrics, nagulat ako kasi hindi ako aware na nakasakit ako.. manhid nga daw ako sabi nila, pero mukhang totoo ang tsismis.

    "A million miracles could never stop the pain" sabi ko graveh naman tong line na ito, wierd, parang di naman totoo…

    then...

    Ang sakit ng mata ko dahil buong araw akong umiyak. Matagal na ring panahon na di ko nakikita ang sarili kong ganito, na ang tanging nakikitang pag-asa ay ang… umiyak… Lahat ng likidong maaaring ilabas ng mata, sumirit na yata. Maramdaman ko lang na "babae ako". Sobra-sobra kung masaktan. Bakit ba sa lahat ng pagkakataon pinakamasakit ang maging babae. Kahit anung lakas mo, may mga pagkakataong ipapaalala sa iyong babae ka lang, madaling lokohin, madaling magpatawad at lolokohin ulet. Mabuti na lang may luha, dahil hindi ko na kayang mag-salita at ipagsigawang nadudurog na ako!!! (naririnig niyo ba!!!) heto ako humihingi ng hangin sa napo-pollute niyang mundo. Mabuti na lang may luha pa, nakakalimutan kong gutom na ko, di pa ko nag-la-lunch at nag-di-dinner, dahil hindi matumbasan nang nananakit kong katawan ang nadudurog kong kalooban. Mabuti na lang may luha, dahil nakakapagpahinga ako sa bawat sugat na kumikirot na di ko maintindihan kung saan nanggaling. Mabuti na lang may luha dahil ngayon alam ko na totoo ang linyang "a million miracles could never stop the pain"

    Ang sakit ng ulo ko dahil buong araw kong iniisip bakit nangyari lahat ng bagay na may control naman ang tao… Marami silang sinisisi para ipagtanggol ang sarili nila, nandiyan si nakaraan, nandiyan si kahirapan, nandiyan si Kasarian, nandiyan si alak, nandiyan si sorry. Ang daming pwedeng pagbintangang salarin, pero ang tao takot umaming siya ang mali at takot sa parusa. Masakit ang ulo ko, dahil buong-araw akong nakasubsub sa unan, pilit kong pinupuntahan ang pinakamadalim na sulok ng aking kwuarto upang paniwalaan ang liwanag, at wala akong nakita. Ilang oras na ko sa iisang puwesto, iisang sakit ang nararamdaman ng isang babaeng nasaktan. Ang sakit ng ulo ko, dahil hindi ako makalingon sa lahat ng bagay na nasakripisyo ko, sa paniniwalang may katotohan ang mundo ng pag-ibig. Minsan lang ako pumasok sa mundo ng mga may pakner, mahirap palang makasanayan. Dahil sa iyong pag-iisa, ang tangi mong mararamdaman ay ang pagka-lumpo ang maparalisa ang malunod, at unti-unti kang maniniwala na ang impiyerno ay nasa lupa.

    Ang sakit ng ilong ko hindi ko maipaliwanag basta masakit ang ilong ko. Hehe. Dapat pala senti ako. Salamat ha nagbabasa ka. Hindi ko na alam kung papaano pahihintuin ang sarili ko sa pag-iyak, kaya hayaan mo na ako… parang ilong walang kaalam-alam pero malaki ang ginhawang binibigay niya pag overloaded na ang luha ko.. hihi.. Alas-3 na pala ng umaga. Pero ang itsura ko walang pinagkaiba nung mabroken-heart kaninang alas-onse ng umaga.

    Ang sakit ng puso ko ano mang pilit ng daing ko sa nanakit kong mata, ulo at ilong. Ang puso ko wala nang natira… ang sabi nila nakakamanhid daw ang sobrang sakit… Bat ang tagal niyang mamanhid, hindi ko na makayanan ang sakit… bakit nasasaktan pa rin ako… sana mapagod na ako, para sana kahit makatulugan ang pag-iyak magawa ko. pero hindi pa rin.. parusa ang hatol sa mga nagmamahal ng labis.. parusa ang hatol sa kumawala sa ikot ng mundo at ibahin ang sentro ng mundong iikutan mo, parusa ang hatol sa sobrang pagtitiwala, parusa ang hatol sa paglimot mong mahalin ang iyong sarili,,, at malnourished na kaluluwa ang tanging aalalay sa nangangarag mong kalamnan.. hindi ko na alam ang mga sinasabi ko, sana pag-binasa ko ulit to bukas.. sana matawa na lang ako. Kaya pagbigyan niyo na kong magtype ng magtype, dahil ako ang pinakamalungkot na tao sa buong mundo sa mga oras na ito. Kung isasalarawan ko ang sakit, para siyang world war II, yung tipong hindi ka sundalo, then wala ang pangalan mo sa kasaysayan kung sakaling mapatay ka sa giyera, yung wala ka na kahit anong armas at sa oras ng laban wala kang kalaban-laban, habang paparating ang kahit na sinong kampo, ngingiti ka nalang habang pinagpapraktisan nilang barilin ang manipis mong katawan. Tapos mababaon ka na sa limot, baka matapakan ka pa, at malimutang tao ka pala. Tapos magsisisihan sila sa pagkamatay mo, hanggang sa kahuli-hulihan ikaw pa ang may kasalanan. Ganon lang kasakit! as in masakit

    Naaalala ko nung una tinext ko lahat ng friend ko na may boyfriend na ko.. haha First time kong ma-inlove.. hehe excited tuloy ako eh.. kahit isip-bata ako lagi, mas masarap ang minsang nakaranas kang mag-mahal at mahalin. Pero masakit kung masakit ang mabigo. Lalo na kung pagtitiwala ang naisugal, respeto at tunay na pagmamahal. Wag sana akong matakot sumubok ulet. Pero sa totoo lang ayoko na yata.

    Kaninang 9pm pilit kong pinapasaya ang sarili ko.. tinugtog ko si Star (violin ko), wala siya sa mood, ang lungkot ng tunog niya kaya napaiyak ulet ako… kaya binitawan ko na lang. At nagpasyang mag-internet at gawin jologs na ito... Basta ngayon ko lang naaalala mga bagay na ganito,,, yung tipong pag may nababasa akong article ng mga broken hearted napapakibit-balikat ako at sasabihin "ang arte naman"… At ngayon heto ako.. pilit pinapahaba ang aking entry para tamarin magbasa ang mga blog-hopper, baka may second Mulan na makabasa.. ay naku matinding kritiko.. dahil sa malamang mga kaibigan mo lang naman ang magtitiyagang magbasa nito. Basta ang gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko ngayon. Para pag natulog ako, kampante akong-online nakipag-kwentuhan ako sa iyo.

    Kaibigan ba kita? Wag kang mag-alala ngayon lang ito… bukas paggising ko okey na ako… mabilis ko namang natatanggap ang mga sitwasyon, kaya wag ka ng mabahala. Sana rin wag ka nalang mag-tanong kung bakit. DAhil masaya akong malamang pinagkakatiwalaan mong kaya ko ito! ayos.

    --- no I don't think time is gonna heal this broken heart ---
    --- masakit talaga.. sa sobrang sakit, nalimutan kong manood ng Da Vinci Code ---


    Posted at Saturday, May 20, 2006 by Mulan
    (5) smart comments  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Sunday, April 16, 2006
    Twinkle Twinkle Little Star

    "Unti-unting mararating kalangitan at bituin, unti-unting kinabukasan ko'y magniningning"... ako si Mulan at ito ang kwento ng aking buhay... oki ba ha, Jang Geum na ba ko..

    Haaaaaaay ang sarap namang mangarap lalo na kung may one step ka na para mafulfill yun.. so 999 steps na lang ayan na siya, konti na lang di ba., akala ko nga di na magkakatotoo eh.. Thanks God at laging napag-bibigyan ang mga hiling ko. Dati naman hindi ako mahilig sa Music, mas hilig kong mag-drawing lalo na ng bahay. ang psychological explanation, nasa subconscious mind ko daw na gusto ko ng magkabahay.. ang galing.. then sabi ko magiging arkitekto akuuu!!! (now na!) pero di ko alam kung pano ?#%@?.. then dahil uso ang alkansiya pag exhange gift sa Xmas Party, nakahiligan ko naman ang mag-ipon at magkamal ng maraming salapi.. siguro naisip ng ate ko, nasa subconscious mind niya din na bagay ako sa commerce.. kaya magiging accountant ako!!! (wawa) ayun sa masaklap, dahil musmos ang aking isipan, kumuha ng entrance exam sa colegio at naging neird sa accountancy, buti na lang sinumpa ako ng Accounting Teacher ko na si Ms. Yatco, di ko daw pwedeng mataasan si Randel. Mula nun bobo na ko sa accounting.. yehey!!.. then dahil maraming laman ang alkansiya ko natukso si Mama na utangin ito. Lumipas ang maraming taon naisipan niya akong bayadan, dahil tumaas ang halaga ng piso, ibinili nalang niya ako ng nilalakong gitara, para mas mura.. ohaa may koneksyon diba.. siguro nasa subconscious mind ni Mama na magiging musikera ako. ilang taon ko ring tinitigan ang aking sintunadong gitara, stare lang naman kaya nanatiling bago.

    2nd year college ako, tumugtog ang radyo, ang ganda ng boses ni Chantal Kreviazuk then sabi ng klasmate ko D-G lang daw ang chords nun.. so bimili  ako ng songhits at pinagaralan ko ang kantang Leaving on a jet plane, at mula nun ilang gabing puyat si Mama, dahil sa nalilikha kong ingay, (nakaganti rin).. pag-uwi ko ng bahay, snob si Accounting book, tugtog ulet ng guitar. So mga 2 weeks yun, natuto akong mag-gitara. Taray no!. Nakita ko nalang ang aking sarili na tumutugtog sa mga Misa sa Letran. Kahit puro bloopers ang tugtog ko wala silang magawa kundi makinig..

    Then nauso si "prettier than pink" wow babae ang drummer, sabi ko ako din kaya ko yun. Nagpanggap akong marunong nasa isip ko madali lang yun. So tinuruan ako ng Tatay ko, we call it "hampas sa hangin". kasi wala kaming drums sa bahay. 4th year college, sumali kami ng mga ka-org ko sa battle of the Band, ang masaklap ako ang drummer.. lakasan lang talaga ng loob. nung kami na ang tumutugtog, di napuna ng mga estudyante na nagpeperform kami, akala siguro praktis lang, okey lang magandang exposure.  (ang mapahiya!) Then after that embarassing moment :-).. nakita ko nalang ang aking sarili na tumutugtog sa Charismatic.. yow (alive.. alive.. alive 4evermore) nasa religious group talaga ang tadhana ko no.

    so naging taong simbahan ako, gitarista sa misa.. at drummer sa mga worship.. and then eto na naman ang aking subsonciosness kuno.. feeling ko may calling ako sa pagmamadre (toink!) watchotink? hihi so ayun nag-CVP muna ako, para lang ma-check ng konti, after ng contract ko sa work, di muna ako ng-trabaho.. 2 months mission sa liblib na lugar ng San Pablo.. ayun aking napagtanto na di pala ako marunong mag-dasal, di ko masaulo ang Apostles' Creed (sumasampalataya lang) jologs lang po patawad. then during that mission,  marami akong natutunan at nafulfill agad ang questioning ko, na yun lang ang gusto kong maranasan muna, so no need for me na pumasok sa loob, there's a lot of ways pa pala.. So sa last misa namin sa Canossa, may narinig akong nag-vaviolin during offertory and communion,, so alam niyo na kung ano ang kasunod... tumpak!!!!!!!!!!!!! G.U.S.T.O. ko yun!!! as in (now na!) sabi ko sa sarili ko, pag nagkaroon ng pagkakataon mag-aaral ako nun.. Mag-iipon muna ako at go for Conservatory of Music!!!

    Almost 1 year na rin me sa current work ko, magandang kumpanya (Ford!), mataas na sahod ($? *wish*), maraming(100x) trabaho (plangak), at stable.. siyempre nakurta na naman ang kapalaran ko, maraming sign na i need to change my path.. wahehe yung subconscious mind ko bumibida na naman.. So i decided to leave them all, nag-resign me para manahimik ang aking pumipilagpos na kalooban. maraming reason kung bakit.. pero masaya akong i-eembrace ang world of Music.. For the meantime sisilip muna ako sa UP-Diliman College of Music. Extension program muna at magpapakadalubhasa bago mag major. Dahil alam kong impulsive ang mga pangarap ko at maligalig si "subconscious mind" na consious naman yata. no to accounting muna, yes to violin!.. (yehey!!!!!) pag-pulubi na ako, alalahanin niyong minsa'y naging kaibigan niyo ako ha.. hehe

    So sa Tuesday (April 18) start na ng Violin Lesson ko sa UP.. Excited na ko! promise!! baka mahalikan ko Prof ko sa tuwa.. (jobless naman)

    hoyyyyyyyyyyyyy!!!!!

    mga Callcenter!!!!!!!!!

    kunin niyo na ko!!!!

    kailangan ko ng pera para makapag-aral!

    mga friends i accept donations!

    so pano see you on my next adventure.. kwento ko ulet.

    ~c",)-<<< (999 steps na lang!)



    Posted at Sunday, April 16, 2006 by Mulan
    Leave a comment  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Thursday, April 06, 2006
    Call Center Agent

    Running Away from Bookeeping (Knocking in the world of "Hello, how may i help you sir?")

    (kriiinnggg)

    "Hello, this is Melanie of Churvah Foundation, how may i help you monster?"

    whew, akala ko madali lang makapasa sa callcenter... na-disappoint naman ako sa Convergys - Alabang.. oo sa Alabang!.. hehe obvious ba ang galit ko, talagang ditalyado.. :-) Actually masaya palang mag-apply, kasi ang sarap magyabang, na kesyo ganito ka, ganyan ako. kahit tumbling na mga English ko aba bumibida pa rin. And MIKO (interviewer)inspires me a lot, kahit binagsak niya ako... hmmmp. Now lang me nakaranas na nareject ha, nyahaha. At ang comment niya (vocabulary & Grammar) *pout* nyahaha. And first time ko yung group interview , 6 kaya kaming aplikante kinakausap ng sabay-sabay. Aba utal ang mga lola, at kabog ang ganda..  Ako kaya ang pinaka-bibo, hmmmmp bakit kaya ako bumagsak. Actually isa lang pumasa sa amin, at lahat sila akala nila ako yun, until now akala nila ako yun. Ewan ko ba di ako dalawin ng kaba pag-nakikipag-usap sa tao, parang ang sarap kasing mangulet.. ayun wahehehe di nila alam semplang din ako, nasa pagdadala lang yan. Haaay ngayon ko lang na-enjoy ang pag-aapply, kasi nung fresh grad ako, di ko na-try eh mahal kasi print ng Resume at pamasahe, masarap pating matulog. Buti nalang tinawagan agad ako nang Ford para maging contractual, nag-halungkat kasi sila ng Resume sa Letran. At yun tuloy-tuloy na ang buhay Manang. Siguro di ko talaga mundo ang Accounting, yung tipong neird na binabantayan ang kaperahan ng buong empleyado ng Ford, tapos kailangan ni singko, walang kukulang o sosobra sa buwan-buwan mong sinasaradong Balitang Pananalapi. kaya di ko ginagawa.. hehe.. Tapos maya't maya nilang tinatanong kung mag-kano na balance ng et cetera, et cetera nila. Minsan nga napapanaginipan ko na, na kinukuha na ako ng reyna ng mga PISO, at dadalhin na ko sa mundo ng mga Tingga at kailangan pagsama-samahin kung sino ang para kay Credit at Debit. Linchak, makapag-callcenter na lang nga.. isang araw lang ang po-problemahin mo, at yun ay kung paano lansingin ang caller.. praktisado naman ako sa pang-uuto kaya it's my time to shine.. tapos ang laki pa ng sweldo.. parang ikaw pa ang babayadan nila para mag-internet sa kumpanya nila. Saan ka na?

    Ang galing talaga ni MIKO, tinuruan niya kami kung papano wastong banggitin ang mga salita ang difference between long-i and short-i ang - e, and b/v ang p/f ang shuaaaw sound.. whatever, at promise nakaka-inlove yung diction niya. Pero siyempre kailangan ko siyang sapawan, bukod sa pumasa ang first priority ko ay mag-mukhang magaling, ayun semplang. hehe. now alam ko na ang sekreto, talk less for less mistakes.. hihi.

    And another "actually", for final interview na me sa APAC, nag-try lang ako sa Convergys kasi tinawagan nila ako. Ayun pala tinawagan lang nila ako para i-disappoint, sayang kawawang Convergys ang dami ko pa namang plano habang 30 minutes akong nag-iintay sa interview ko. Dami ko ng plano para mapa-improved ang benefits ng empleyado nila, at take note nakabalandra sa reception area nila ang 2nd place winning trophie for battle of the band... Gosh kung tinanggap nila ako, daig pa nila ang kumuha ng one woman band baka lagi silang Champion nun. hehe. And then kakapiranggot ang mga Merchandise na naipasok ni Red Stenberg as benefits for employee ha (masaya na silang i-post yun). Ang dami ko kayang connection sa iba't ibang company (SMART-GLOBE-Citibank-Timex-Executive Optical -Levi's  - Garment Industry) tsk tsk sayang.. kawawa naman sila di ko natulungan. Multi-purpose cooperative yata ang pinapatakbo ko mag-isa. Atsaka loves na ko ng mga supplier ko. Pero masaklap pa rin ang katotohanang BAGSAK ako.. hihi.

    Siya may bukas pa.. Never say die.. ajah... babalikan ko sila pag improved na ang grammar and vocabulary ko.. at magiging kasing galing ako ni MIKO. Miko! mas magiging magaling ako sa'yo. promise.. :-) ikaw palang ang nakabanggit ng pangalan ko na susyal pakinggan.. hehe jologs kasi ang Melanie Saban.. ikaw nga bigkasin mo?.. i'm sure tunog visaya. :-)

     


    Posted at Thursday, April 06, 2006 by Mulan
    Leave a comment  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Sunday, March 12, 2006
    Simple but Inspiring

    Lanie_liit

    What do you think?

    I almost gone so much, but the picture remained through thick and thin. Haha i'm feel very blessed talaga, with this simple thing i'm pacified under the storm. Every time na pagod ako sa trabaho, i just skip time to stare at it and seeing little Mulan, so compose.. hehe kahit pala nung bata ako strikta pa rin.

    I can't almost remember, when do they took this shot, or what was my mood during that time. As written in the back (1 year and 6 months Lanie), so to be exact, that was November of 1983 @ Cebu City. Ang kulet ko no, siguro kayo simple lang sa inyo. You'll just say "so whats the big deal, may picture din ako nung bata ako". Siya sige ikaw na magaling.. basta ako marami akong natututunan pag tinitignan ko picture ko, if i lost my temper i just look at it, if i lose hope, i just look at it. If gutom ako, i just look at it.. if i hate my Dad, i just look at it. If i envy my friends because of her/his new cell phone, i just look at it... there i began to realize and develope good judgement.. oo maniwala ka, bigla na lang nagiging madali lahat.

    Minsan nga pag-wala na akong kapiranggot na pasensiya sa klase ng trabaho meron ako, pag tinititigan ko siya, feeling ko gutom ako ng mga oras na yun, kaya di ako nakangiti, mahirap lang kasi kami dati, kaya sa kapirasong itsura kong di maipinta, naisip ko baka mag-mana ang anak ko sa kin. ayaw maging mahirap, ayaw magutom, at ayaw sa lumang jeep. Aba kailangan kong mag-payaman kung ganon. Wala naman kaming Camera dati, once a year lang, pag-uuwi yung tita kong galing states, kaya siguro kung naka-second shot pa, nakangiti na siguro ako. One try lang eh, sayang ang film, baka lumuwas pa ng maynila para sa panibagong film. hehe

    Titigan mo ulit ang picture, Tatay ko nga pala yan. Karga-karga pa niya ako nung 1 year old at 6 months ako. Magaling na tao yan. Siya rin ayaw niyang maging mahirap, kinarga lang siya ng kapalaran sa kahirapan, wala akong magawa karga niya na ako e, e di damayan na lang. Bilib ako sa Tatay ko pag-nangatwiran. He's the toughest guy in the world. He knows the way to success. someone who never loses hope. Grade-3 lang daw natapos niya, and its very hard for him to read and to write. Ang naaalala ko dati, gabi-gabi siyang nag-susulat, kahit ano basta nagpapraktis siyang magsulat. kasi mag-aapply siyang construction worker sa Saudi. THough jologs penmanship niya, okey naman. But who knows, buhay pala si Super Man. Alam mo ba ngayon teacher siya ng mga engineers sa  Saudi, he trained every licensed engineer, just for them to be fit to work. Sammy Boy nga naman (M.E.) na pala (Murag Engineer - Visaya Term) in tagalog (parang engineer). Kaya nakakahiyang di magsumikap, kung makikita mo si Sammy Boy from this Pic at sa kinalalagyan niya ngayon. Kumusta ka na kaya Super Man? salamat sa patuloy na pag-karga ha, akala ko wala ng pag-asa eh.

    Maybe that's the reason why, lagi kong naiisip ang possible instances kung, nabagot ang tatay ko sa buhay. baka lahat ng picture ko sa friendster, nakamangot lang, walang maipagmalaki at nanggigitata sa kahirapan. Kaya hala sige mangarap kahit sabihing (Murag Engineer). Bawal talikudan ang hirap ng trabaho. Then someday you'll see..

    See this pic.. it is a simple puzzle of our life (Me and My Dad)

    SURVIVOR!!!

     


    Posted at Sunday, March 12, 2006 by Mulan
    (2) smart comments  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Tuesday, November 22, 2005
    Mommy Normz!!!



     

    ASIAN
     
    Malayang kaisipan, ating namulatan
    Matibay na paninindigang ating natutuhan
    Makahulugang pagsasakatuparan
    Siyang nasumpungan, sa mahal kong paaralan
     
    Mula sa kasibulan hanggang sa kahantungan
    Nananalaytay dugong mula sa’yo oh.
    Mula sa kawalan patungo sa paglago
    Pangalan mo’y kaakibat, sa bawat panahon ko
     
    [Koro]
    O aking paaralan ikaw ang pinag-mulan
    Lahat ng karunungan sa’yo’y nasumpungang
    O aking minamahal ikaw ang tanggulan
    bawat kaalaman sa puso’y nananahan
     
    sa bawat pag-inog ng dahon ng buhay
    Lahat dito’y nag-kakaroon ng kulay

    Salamat sa mga aral na ibinigay

    Sa pagkalinga at pagmamahal

    [Repeat koro]


    Adlib
     
    [repeat koro]
    … bawat kaalaman sa puso’y nananahan (3x)
     

     
     


    haay naku Mommy Normz nakalimutan mo ng tubusin ang kanta mo..
     
    Hehehe si Mommy Normz? Siya po ang nanay ko sa Koino, na napaka-kulet, dito lang ako nahawa ng kakulitan, kasi pinanganak po talaga akong mahiyain. Si Mommy Normz ay isa pong Teacher, nalimutan ko na kung anong eksaktong petsa siya nangungulit para lapatan ko ng musika ang kanyang napakahabang tula.. Gagamitin daw para sa graduation sa skul nila, siguro mga April 2005, kung di me nagkakamali.. At siyempre mahal ako nito kaya lumapit sa akin at pinagmamadali akong manganak nang piyesa para sa kanyang makapag-bagbag damdaming tula..

    Habang naglilinis ako ng file ng computer nakabangga ko ang file na “asian.mp3”, nyaaaah sabi ko familiar to ah, then pinakinggan ko. Ayun na! kanta pala ni mommy normz.. hmmmm naaalala ko tuloy nung ginagawa ko ito mga 12nn yun, dadaanan niya daw ng ala-una.. siyempre dali-dali naman ako, di muna ako kumain, so mga 12:30nn natapos na.. para pag dating niya i-rerevised nalang kung di niya trip. Aba 2006 na, wala ka pa ina.. hehehe… kahit kelan maligalig ang Mommy Normz ko, buti na lang labs kita.. o siya this song is for you, luka.
     
    Di ko alam ang title nito, nakalimutan ko na pangalan ng skul mo.. Asian Computer ba yun? Whatever.. Miss You Mammu! Penge picture ng mga baby mo, naubos na kasi rat-trap ko eh.. hihi pero mas mabisa picture mo.. whacho tink? Haha.. love yah!
     
    Sounds Agaw Agimat ba?? Harhar.sabi ko nga dream on..

    Posted at Tuesday, November 22, 2005 by Mulan
    Leave a comment  


    Ikumot mo ako sa iyong mga awitin... Melanie R. Saban



    Previous Page Next Page

     matrix.gif  vache_folle.gif maskfun.gif   lightning.gif  heart.gif garfield.jpg  garfield2.jpg   flyingcow.jpg
     chako.jpg  car.jpg  bitch.jpg  badgirl.jpg  Angel.jpg  tiger.gif  chako.gif  nemo.gif